ANG KANYANG KAARAWAN
Sa pagtilaok ng manok
Ako'y iyong ginising
Ipinag-init ng tubig, inihanda ng makakain
Hanggang sa pag-alis patungo sa paaralan
Di mo pa rin kinalimutan na ako'y pagsilbihan.
Tinanong mo sa akin, "Nalimutan mo na ba?
Ang araw na ito nang una kong makita
Ang ganda ng mundo't pagsikat ng araw."
Ngunit...sinagot ba kita?
Hindi mo alam ang laman ng damdamin
Bakit ko naman malilimot
Ang araw na espesyal sa iyo?
Nais ko nang sabihin, ngunit i mabigkas ng bibig
Mga katagang mabigat para sa 'kin
Simple lang ang iyong paghahanda
Kaunting pagkain at isang novena.
Malayong-malayo sa paiging na ginawa
Sa aming mga anak mong sinisinta.
Hindi alam kung paano sasabihin
Bumibilis na ang tibok ng puso
Isusulat ba sa papel?
Itetext? O, ihahayag ng diretso?
Tama na bang sa isang tula
Ay masabi na sa iyo
Ang laman ng damdamin ko?
Bakit kaya di ko kayang sabihin?
Nanginginig ang labi sa pagbuka ng bibig
Para bang isusuka ang batong kay laki.
Ngunit kung di ko naman sasabihin
Ito'y konsensya ko rin
Baka ka magtampo at sa aki'y maghimutok.
Akala mo'y hindi kita mahal
Pagkat nilimot daw na batiin ka
At para bang di ka binibigyan ng halaga
Akala mo lang yun!
Tulad ng pag-ibig mo sa akin
At pag-aarugang iyong binigay
Tulad ng pabati mo sa akin sa aking kaarawan
Ganun din kita kamahal!
Ngayon siguro'y napagtanto mo na
Na tulad mo'y minahal din kita
At ang araw na ito'y di na malilimot pa.
Siguro nga'y masasabi ko na...
Naligayang kaarawan ina!
-JONA LIZA MONTRIAS:)